Blabberings...

Ready, Get Set, Blog!!!

Thursday, September 07, 2006

Bakit nga ba?

kaninang umaga, habang nakasakay ako sa FX at pauwi...nag-iisip ako ng mailalagay sa blog ko. bigla nalang pumasok sa isip ko ang mga tagalog movies. at kaninang pag-uwi ko...palabas sa channel 2 ang "Humanap Ka ng Panget" ni Andrew E...
napansin ko lang, bakit nga ba sa lahat ng tagalog movies na comedy...
  • may leading lady ang bida
  • may side-kick siya
  • 'di mawawala ang drama scene
  • may action scene din
  • at higit sa lahat...laging may out-of-town trip o outing sa beach na may kasamang musical

tapos sa action naman...

  • lagi ring may leading lady ang bida
  • may comedy rin
  • may drama
  • yung isang malapit na tao sa bida, parati nalang namamatay
  • tapos pag nabaril at naghihingalo na...nakukuha pa ring magdrama
  • laging nasa kamay ng bida yung taong malapit sa kanya habang namamatay
  • tapos pag nalagutan na ng hininga...biglang sisigaw yung bida
  • pagdating sa pinaka-fight scene, karaniwang mag-isa lang yung bidang sumusugod sa hide-out ng mga kalaban na parating nasa lumang factory
  • nakakaya ng bidang itumba yung lahat ng mga "frontmen" ng kalaban--take note: nang walang tama, ni isang daplis man lang ng bala sa kanya
  • pag naubos na niya lahat ng mga tauhan (na akala niya), kakalabanin na niya yung pinaka-kalaban talaga niya
  • magbabarilan sila at mag-iilagan hanggang sa maubusan ng bala habang sinasabi ng bida yung pamatay niyang linya (na kasama ang pamagat ng pelikula), o kaya naman...
  • magbubuntalan hanggang sa matanggal yung baril sa pagkaka-hawak nung isa
  • tapos biglang makakakuha yung bida ng baril at babarilin ang kalaban
  • sa bandang huli, saka lang darating ang mga les-pu (hello?! tapos na ang laban)...pero himala dahil may nadadaklot pa silang mga kalaban na buhay pa pala.

sa drama naman...

  • laging nababanggit ang pamagat ng pelikula sa isa sa mga linya ng bida
  • may isang scene na kulang nalang bumaha ng luha
  • masasabi ko lang...tanga at masyadong martir ang bida

haynaku...sumasakit ang ulo ko kakaisip! o cia, manonood muna ako ng "Got to believe". :)

1 Comments:

Blogger Seph's Princess said...

oo na. gaya-gaya na kung gaya-gaya. e sa wala akong mailagay sa blog eh. walang pakialaman...blog ko 'to!! bakit ba?! ;-p

Wednesday, September 13, 2006 11:51:00 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home