Blabberings...

Ready, Get Set, Blog!!!

Thursday, September 14, 2006

Sigh!

Anak ng tokwa talaga, oh!
For the next 30 days...i'll be a loner (connect mo na rin sa pagiging isang Loser). I won't go into details nalang. pero bakit ganun?!
napaka-stressful ng linggo ko. napagisip-isip ko lang na mag-resign na at humanap ng ibang trabaho. for goodness' sake...gusto ko naman mag-establish ng totoong career para sa sarili ko. I've been working at Convergys for a year and 4 months. hindi naman sa ayaw ko na yung trabaho...kung tutuusin, madali siya kung sa madali. I'll give you an idea...nagca-calls lang kami for 7hrs and 30mins. pero pasok ko, 8pm-5am...total of 9hrs (1hr. lunch and 2 15min breaks...now you do the math). may mga araw na sobrang konti lang ng tawag...usually weekends, average of 40-45calls. pero pag weekdays, average na siguro yung 70 (actually, it depends). pero pagkatapos naman ng trabaho mo...wala ka nang aalalahanin.
okay yung pay and all...ang hirap lang kasi parang nawala lahat ng pinag-aralan ko. last march, nag-exam ako sa 2 companies...yung isa sobrang technical (asa pa ako eh BA yung degree ko), yung isa naman ewan ko pero dun ko talaga na-realize na isa na akong tanga ngayon. 'di ko alam kung anong nagawa ng trabaho ko ngayon sa akin at nabalewala ang degree ko sa college...potah.
pinipilit kong isipin kung ano na ba ang gusto kong mangyare sa buhay ko ngayon. grrrrrr!! naiinis ako.

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

bat naman nag iisa ka?

Friday, September 15, 2006 11:40:00 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home