Blabberings...

Ready, Get Set, Blog!!!

Friday, September 15, 2006

What the...?!

ansaya...kumpleto yung family ko kaninang dinner. sabay-sabay kaming kumain. nabanggit ko lang na lilipat na pala yung cousin ko saka asawa niya sa pinatayo nilang bahay sa cavite...since nagre-rent sila ng condo sa tito ko...mababakante na yung unit pag umalis sila. natapos nang kumain yung daddy ko kaya tumayo na siya at pumunta na ng sala para manood ng tv...so ang naiwan--ako, kapatid kong 18yrs old na lalaki at mommy ko. nakakatawa lang yung discussion naming tatlo...
Mom: ah, lilipat na pala sila Jennie. mas maganda na yun, at least di na sila uupa at sa kanila na yung bahay. maganda na rin yung nakapag-pundar na sila ng mga gamit. diba uso ngayon sa kasal yung ikaw na yung magsasabi kung ano yung mga kailangan niyong regalo?
Ako: oo. bridal registry. diba nga may bridal registry sila nun sa rustan's?
Bro: nakakahiya naman yun. ikaw pa yung manghihingi.
M: yung iba nga, pera nalang eh. praktikal na ngayon (sabay puntang kusina para kumuha pa ng ulam).
B: 'te meg, lamo kung ano mas praktikal? live-in muna bago kasal.
A: gagu! marinig ka nung dalawa...tignan lang natin kung di ka hatawin nung mga yun.
M: (kakabalik lang uli ng mommy ko sa lamesa) praktikal lang.
A: anong praktikal? narinig ba ni mommy sinabi mo? (sabay baling sa utol ko)
M: oo. yung live-in muna bago kasal? isipin mo nalang kung magpapakasal ka, gagastos ka ng daang libo...eh di i-downpayment niyo nalang yun sa bahay niyo. at least, pag kinasal na kayo...may bahay na kayong matitirhan.
A: 'tong si mommy kung magsalita, parang wala sa Marriage Encounter ah!
M: eh practicality naman talaga ang pinaguusapan dito eh.
B: oo. tapos saka niyo nalang pag-ipunan uli yung kasal. o kaya para tipid, sa mass wedding nalang.
A: eeewwwww!!!
(sabay tanong ng kasambahay namin sa mommy ko: bakit ate? ikakasal na ba si Judd?)
medyo nawindang lang ako sa usapan naming tatlo. active couple kasi ng Marriage Encounter nanay at tatay ko...at hello?! medyo nasa council of the elders lang naman sila. so talagang importante at ine-encourage talaga nila yung sacrament of marriage. nagulat lang ako sa reaction ng mommy ko. sa kapatid ko naman...bigla ko nalang na-realize na tumatanda na siya at ganun na siyang mag-isip ngayon.
basta...hindi PA ako magpapakasal.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home