Changes
'Nak ng pating naman! nag-cab pa ako pagpasok kanina para lang makaabot sa 8pm shift ko. tapos mababalewala lang dahil sa Sick Leave ko.
when I got to the office kasi, iba yung feeling ko...parang high ako na ewan. so I went to the clinic and asked the nurse to give me a BP...ayun, 100/60. have been taking calls earlier for 2 and a half hours (partida nakapag-break pa ako). bumalik ulit ako ng clinic ng 1st break ko (which was 10pm)...BP ulit, 90/60 naman. eh groggy na talaga ako...so balik ako clinic para humingi ng medicine (na wala namang effect) at magpa-BP ulit..eto na, 80/60 na BP ko! hindi naman masyadong mababa noh?! so ayun, humingi na ako ng request to go home at in-approve naman kaagad ng TL ko. syempre di ako makauwi dahil ayaw na akong pauwiin ng bf kong gwapo (delikado na raw)...so ayun, tambay akong clinic (lucky me, ako ang pinagpalang makatulog dun sa dami ng pasyente).
eto ngayon...medyo groggy pa rin ako. naghihintay nalang mag-5am para matapos na ang shift ng mga tao (sabi kasi ni bf hatid daw niya ko pauwi...whoa! bago yun ah?! hehe!!).
it's my off tonight..transition for my new sched. I'll miss being in my current team. I'll miss the company of janice, ekah, marissa & kiko. mami-miss ko rin yung isang buong cluster namen...mami-miss ko ang mga kagaguhan nila marc, paul, vince at fats. sigh!! kung pwede lang maging ka-team lahat ng mga friends at bagong friends ko.
I'll miss taking calls for Proactiv, Sheer Cover, Youthful Essence, Winsor Pilates, Core Secrets, Castalian Music, Bayer Breeze Meter, Carleton Sheets, Best Buys, Magazine Direct, Provell, Time Magazine, Sports Illustrated at kung anu-ano pang DR calls na tinuruan akong magmura ng malutong sa loob ng 1 taon at 4 na buwan.
mami-miss ko yung feeling na antok-antok ka na pero excellent pa rin yung call flow (at kaya mo pang i-recite ang "beautiful skin is not only a reflection of what you put on the outside, but also what you put on the inside..." o kaya naman "I know how important great results from the Winsor Pilates program are to you..."), na hindi mo namamalayang natapos mo na pala yung call at conversion pa siya (swerte mo kung may 100% US monitoring ka pa!).
I'll miss going to 7:15am mass at Greenbelt every Sundays with beau. pareho na kasi kami ng off (which is Sat-Sun), so medjo hassle lang na magmeet pa kami. pero magagawan naman yun ng paraan. *wink*
at higit sa lahat...mami-miss kong mag-VGH!!! sigh! ;-(
Labels: office


0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home