Miracle...is it?!
Ang eksena: naglalakad ako sa baba ng Enterprise papasok for my 11pm shift at nakita ko si Bong (B) at Macky (M)...
Ako: O, ba't nandito kayo? First break?!
B: Hinde, pinauwi na kaming lahat. Wala nang tao sa floor.
Ako: Di nga?!
M: Oo, sira yung system. Walang Nortel. Restarting simula pa kaninang 10am. Dahil dun sa lindol. Nasira daw yung pipeline ng router eh.
Ako: Seryoso?!
B & M: OO NGA!!!
Biglang dating si bf...
B: Kung ako sa inyong dalawa, umakyat na kayo. Mag-file na kayo ng VGH (short for Voluntary Go Home or Downtime).
bf: Talaga?! Sige Tsong, inum tayo!!!
Ako: Panu yan, wala akong dalang cash ngayon?!
bf: Akumbahala sayo...basta, file tayo!
So umakyat kaming dalawa ni bf at nakita naming naguunahan na ng file ang iba naming teammates. Di lang ako makapaniwala na may VGH sa team namen dahil since HSBC Dedicated kami, di kami allowed mag-VGH.
after 45mins...tinawag kami ni TL, draw lots nalang daw para fair dahil 6 agents lang ang pwede niyang i-let go. so to cut the long story short--nabunot kaming dalawa! :)
akala ko, di na kami masasama dun sa 6 na yun...
akala ko pwede kaming magJay-J's, yun pala hindi dahil kahit 24hrs silang open, sarado sila...kaya nauwi kami sa Watering Hole...
akala ko medjo madami kami...yun pala si B, Uke, bf at ako lang.
sana mamaya, sira pa rin ang system...
sana wala pa ring calls...
akala ko di ko na mararanasan uli ang VGH...
haha!! maling akala. miracle happens.


0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home