Si Ako at Si Manong Driver
Just had one of my memorable conversations w/ strangers...
Manong (taxi) Driver [MD]: tinanggihan kayo nung isang taxi?
me: oho. trafic daw po papuntang Cainta eh. ala una nang umaga, trafic?!
MD: baka nango-ngontrata. kanina nga tinanggihan ko rin yung isang lalaki bago sa inyo eh. naka-jacket tapos dun umupo sa likod. eh malakas ang kutob ko. di ko na sinakay. mahirap talaga mag-taxi. may ibang pasahero ako, sasakay ng disoras ng gabi, tapos magtatanong kung na-holdap na ba ako. ano ba naman klaseng tanong yun diba?
makalaunan...
ako: LPG ba 'tong taxi niyo manong?
MD: oo. mas malaki kasi ang natitipid ko kumpara sa gasolina. dapat pag ganito wala ka ring bisyo.
ako: dahil nga naman delikado noh? magyoyosi ka tapos pag may singaw yung tangke mo, yari ka.
MD: andaming taxi driver na puro bisyo lang rin inaatupag. pagkagarahe, anjan na yung mga bisyo nila--sigarilyo, babae. andaming nagsasakay sa taxi nila. sasabihin nung babae, makikisabay lang daw.
ako: tapos ano ho yun, di na magbabayad?
MD: hindi na magbabayad. tapos ayun na, pinapagawa nalang dun sa driver yung gustong gawin, P300 na lang ang bayad.
ako: hanep yun ah! ikaw pa magbabayad...naki-sakay na nga sayo.
MD: sa hirap ng buhay ngayon, importante na sa akin ang P300. iuwi mo nalang sa pamilya mo pambili ng masarap na pagkain.
tama nga naman si manong. saludo ako sa inyo!
Labels: convo, samu't sari


0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home