Between The Two
Last Friday night, had dinner with some friends at Classic Cuisine. Okay naman yung food. Sarap nung Binagoongang Lechon Kawali (we ordered two actually)! We also ordered Chicken Binacol (na noon ko lang natikman), Crispy Squid, and Fried Rice with dilis. Total damage is P250 (plus P20 tip). Not bad.
After dinner, nag-dessert kami sa Haagen Dazs. Usap dito, usap doon. Chika dito, chika doon. Funny lang kasi yung topic namin--mostly about love. OLD SCHOOL! :)
Honestly, napaisip ako ng matindi dun sa sinabi ni R. Between the two, mas okay na piliin mo yung MAS KASUNDO MO, kesa sa MAS GUSTO MO. Kasi naman, hindi ba parang pareho lang yun?? Kung mahal mo yung isang tao, hindi ba maga-adjust kayo para sa isa't isa para magkasundo kayong dalawa? At since mahal mo ang isang tao, gusto mo rin siya. So ano pang pipiliin mo dun, eh iisang tao lang naman yun? Hindi ba?
Dun na nagkaron ng debatihan. Pilit nilang ipinaliliwanag yung concept na yun. Pero until now, hindi ko pa rin lubos maintindihan.
Okay na rin yung Friday night ko. Though walang tugztugz, tamang chillax at tamang usapan lang. The night went well---except for one. At hindi ko na kailangang ikwento dito. Dun nalang yun sa tatlong kasama kong pauwi. Hindi naman masamang magtira ng kahihiyan sa sarili, diba? :)


0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home