Blabberings...

Ready, Get Set, Blog!!!

Thursday, July 17, 2008

Blog

Grabecious! antagal-tagal ko nang hindi nagagalaw ang blogsite ko. kasi naman, ano nga naman ang mailalagay ko dito?! Ni hindi na nga ata updated ang blog ko sa buhay ko ngayon. Sa totoo lang, mas naaaliw na akong magbasa ng blog ng may blog (may kabuluhan ba ang paggamit ko ng term?). Nakakatawa mang aminin, OO---suki ako ng PEP.PH (short for Philippine Entertainment Portal). Kapag nakita kong updated ang blog ni Sweet (ref. Korek Ka John) at ni Giselle Sanchez (ref. G-spot [wholesome ito!] ), hindi na ako nagdadalawang isip na i-click ang button ng mouse ko.

Sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos, lagi akong nagba-basa ng blog ng may blog. Gaya ng 'insan ko. Suki ako dun. Lalo na dun sa blog niyang puro tungkol sa pagbubuntis niya (1st baby kasi!). Hindi ko na ipo-post ang site niya at baka awayin pa niya ako.

Kanina, isa-isa kong binasa ang mga entries ko. Naisip ko, bakit dati...ang sipag-sipag kong gumawa ng entry. Samantalang ngayon, title lang, inaabot pa ako ng mahigit isang taon bago mag-post. Ha-ha-ha! Siguro nga dahil wala akong maisip na matinong mailagay dito. Heller?! Maski naman siguro sinong makabasa nitong entry na 'to...sasabihin na nonsense din. Well...just for the sake of posting!

Teka, bakit ba? Walang pakialamanan...BLOG KO 'TO EH! (at bigla kong naalala, ilang beses ko na ba nasabi ang katagang yan simula nung nakaraang buwan?!)

Oo nga...bakit ba? Blog ko 'to.
BLOG KO 'TO.














....HaHaHa!!! Nabitin ka 'noh?! ;)

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home