High School
Tuwing maririnig ko yung phrase na "the best ang high school!", napapaisip ako kung para sa akin, isa yun sa mga naging highlight sa buhay ko. Siguro oo, kasi dun ako nag-dalaga.
Nung Linggo, habang naghahanap ako ng magagawa...nakita ko yung isang maliit na kahon sa isang sulok ng kwarto ko. Binuksan ko. Alam ko laman nun yung mga short notes, palanca letters at simpleng sulat galing sa mga kaibigan ko. Isa, isa kong binasa. Unti-unting bumabalik sa memory ko yung buhay ko nung high school.
- kaba na mararamdaman mo tuwing matatapos ang every quarter dahil sa takot na mabigyan ka ng "love letter" lalo na nung freshmen
- 1st warning!!!
- 2nd warning!!!
- 3rd warning!!!
- VR ka na.
- tambay sa Gate 7
- maiwanan ng service kaka-tambay
- general assembly sa quadrangle
- 1st Friday masses
- makatanggap letter every other day galing sa mga ka-LWs ko (letter writing)
- RAID ng cellphones at beepers (uso pa rin beeper nun ha!) ni Ms. J nung 3rd yr ako
- upong walang ka-poise-poise
- atbp. na HINDI KO NA KAILANGANG ILISTA PA DITO
Pero hinding-hindi ko talaga malilimutan ang junior year. Andaming memories. Kasi halos lahat, pasaway. Saan ka makakakita ng all-girls' school na habang sinasabon kami ng adviser namen during homeroom period eh sinasagot-sagot din siya ng isang pasaway niyang estudyante na may kasamang dirty finger. Hahaha!!! Isama mo pa ng bailey's mix sa coleman.
Oo nga pala! May striptease sa classroom nung sophomore, right after ng PE.
Food trip habang may klase, nung seniors kami. Hilamos & freshen up sa mismong classroom.
Haaaaayy...Agnes, Martha, Lioba at Cecilia! Ang sarap balikan ang nakaraan.
"No matter where we roam thy spirit ever alive within our hearts thy name proclaim."
~ORA ET LABORA~


0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home