Blabberings...

Ready, Get Set, Blog!!!

Friday, August 01, 2008

GA-LA-E-E-KA-LA-U-BA

Freshman ako noon sa HS nung inasam kong maging miyembro ng prestihiyosong (tagalog na tagalog ah?!) samahan na ito sa Isko. Pero siyempre, pinangunahan ako ng takot. Kasi naman, pakiramdam ko ang gagaling lahat ng mga pumapasa sa auditions nila. Kaya ayun, nangarap ako hanggang sophomore year ko. Pero bago matapos ang taon, naglakas loob na akong sumabak sa audition (laking pasasalamat ko rin sa mga kaibigan ko dahil sa walang tigil nilang pagkukumbinsi sa'kin). Ipinalista ko na ang pangalan ko para sa mga maga-audition. Isang fast at isang slow daw ang kailangang kantahin. My guzz!!!

(RING NG BELL)--2pm Friday, kakatapos lang ng last subj. ko...ACTIVITY PERIOD NA!!!
Nagsimula nang maglaro ang mga paru-paro sa tiyan ko...
Pati mga daga ata, naglalaro na sa dibdib ko...
*Hingang malalim*
Ang bigat din ng mga paa ko habang dinadala ko ang sarili ko sa Music Room.
Natatanaw ko na ang labas ng Music Room--ANDAMING TAO!

Golde: (tinawag ang pangalan ko)

IT'S MY TURN...
Bumibilis ang kabog ng dibdib ko habang pumapasok sa pinto--at nandun silang lahat sa loob--nakatingin sa akin habang papunta ako sa platform.

Espo: Sige, start ka na...
Ako: (kanta ng dalawang choice of songs ko)


...La-la-la-la-la...

Yes!!! For 2nd part na ako ng audition--kay Mrs. Yusi (Glee Club's supah mentor & conductor). Medyo mahirap 'tong part na 'to kasi kailangang matalas ang pandinig mo. Magbibigay siya ng mga 5-6 notes sa piano at dapat mong makanta ng tama yung nota (kasama na dun ang tamang tempo).

Makaraan ang isang linggo...ayun, nakita ko na ang pangalan ko sa mga pumasa. :) YEY!!!

Junior ako nung nag-umpisa akong mahasa sa pagkanta sa isang chorale group. Siyempre, sa una nakakapanibago dahil isang melody lang ang alam kong kantahin. Pero nung naging miyembro na ako, hinati kami sa apat na grupo. Dahil sa puro kami babae, soprano at alto lang ang mga kategoriya. Pero mayroon kaming tinatawag na Soprano1 (ito yung grupong may pinaka-mataas na boses) na nahati pa sa S1a at S1b (sa b ako napabilang), Soprano2 (medyo mataas) na nahati sa S2-1 at S2-2, at Alto na nahati sa A1 at A2. Isa-isang itinuturo ni Gng. Yusi sa bawat grupo ang melody nila sa kanta. May pagka-weirdo kasi kung ikukumpara mo ang tono ng S2-2 sa S1a, ibang-iba talaga. Pero pag pinagsama-sama mo na lahat ng boses namin...haaaaayy!!! ang sarap pakinggan.

Naalala ko yung mga sinalihan naming kompetisyon. Kung makikita mo lang ang record ng SSAM Glee Club, madalas nitong naiuuwi ang champion title ng mga competitions na kinabilangan nito. Isa na diyan ang CMLI, Voices in Harmony atbp.

Dahil sa pagiging miyembro ko dito, naranasan kong pumunta sa San Sebastian Church sa Intramuros para kumanta kasama ang grupo sa isang kasal, mas na-appreciate ko ang pagkanta dahil nabibigyan namin ng kakaibang version ang ilang mga non-contest pieces gaya ng Before I Let You Go, She's Out of My Life at kung ano pang maisipan naming lagyan lang ng blending, naranasan kong mag-perform sa stage ng CCP Main Theater (Samu't Saring Tinig) at marami pang iba.

Idem Dem Malida, Kay Tagal, Ikaw Lamang, Toki Gong, Musika, Wind Beneath My Wings, Let's Stop and Talk a While, You And I...ilan lang yan sa mga napag-aralan kong mga awit sa loob ng dalawang taon. Pitong taon na ang nakakalipas, pero hanggang ngayon, nakatatak pa rin yan sa alaala ko.

Sayang lang dahil noon, hindi pa uso ang YouTube. Wala tuloy kaming documentary ng mga numbers namin. Hindi gaya nung mga sumunod na batches, meron na sila. Andami-daming links pag hinanap mo sa Google. Isa na ito sa mga videos na nakita ko. Graduate na ako nito. Tsk, tsk! Sayang talaga. Ni wala man lang akong cd ng kaisa-isang competition namin na recorded--ang Concurso Chorale de Ateneo.

Sa totoo lang, isa ang SSAM HS Glee Club ang sobrang nami-miss ko at gusto kong balikan kahit isang araw lang...


GA-LA-E-E-KA-LA-U-BA



-----------------------------------------------------------------------------------
Kaybol, wala bang homecoming diyan? :)

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home