Blabberings...

Ready, Get Set, Blog!!!

Thursday, October 02, 2008

Beckbeck language 101 (accdg. to my atsi J)

Pre-school pa lang ata ako, may kalaro na akong baklita (baklang bata pa). Pero syempers, hindi ko naman masyadong iniinda yun dahil careness ko ba if anong trulalu niyang pagkatao?! As long na may nakakalaro ako sa pagba-Barbie, make-up, at luto-lutuan--chika na!!!

Pagdating ng gradeschool, may friend na naman akong badet. Bonggang-bongga ang kakirihan ng loka! Ariba kung ariba sa mga boylets. Ultimo sa mga teachers, kina-career ang pagiging pet!

College na ako nung magkaron ulit ako ng vaklush friend. Pero iba na ito dahil ang clozeness...ume-nth level! At ang sharing!!!----quiet nalang ako. (Friend, your secrets are still safe with me [uma-alicia keys mode] :D ) Pag sad ako, cheer ang lola. Di bale nang ma-okray niya ang sarili at buhay niya mapatawa lang akech. At pag may antipatikang jennylyn na gumulo sa'ken--si 'Bax' na ang bahala sa kanya. Ultimo nga sa lovelife, siya ang nag-uuntog ng ulo ko sa pader, matauhan lang ako. Nag-work naman...delayed nga lang ng 3 taon. :D

Sa first work ko, same-same. Ang co-diyosa ko! :D Naging closeness din kami. Nung una, akala ko straight. Crush ko pa naman dahil mestizong cuteness na tipong guy-next-door ang effect. Na-lurky ang lola mo dahil nung kinausap ko, mas bongga pang magkwento sa akin. Ngayon, success story na ang gaga dahil nasa kung saang lupalop na siya ng Europe kasama ang kanyang beloved. Congrats, K! :D

At ngayon, may isa na naman. Sa kanya nga ako nag-aaral ng linguistics ngayon eh. Yun nga lang gay linggo lang (mukha ngang babagsak pa ako sa kanya eh)!

Pero para saan ba itong entry kong 'to?!--wala lang. Tribute ko lang sa mga atsi ko.

Therefore, I conclude...kakachorwa ang ace of base pag may atsi kang friendshipness!!!--gets mo? :D

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home